9 bayan, masiserbisyuhan ng itatayong bagong tanggapan ng PRC sa San Carlos City

Inaasahang siyam na bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang masiserbiyuhan ng itatayong bagong branch ang Philippine Red Cross (PRC) sa lungsod ng San Carlos.

Kasabay sa pagdiriwang ng platinum anniversary ng PRC, isagawa ang ground breaking ceremony na dinaluhan ng mga volunteer at mga ilang stakeholders kabilang na si dating Congresswoman Baby Arenas bilang PRC Director.

Ayon kay Floramae Magalong, Chapter Administrator ng PRC-Pangasinan, lahat ng bayan ng ikatlong distrito ng lalawigan ay tiyak na mabebenepisyuhan ng dugo lalo na ang Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Bukod dito, mas maabot pa ang mga karating bayan ng lalawigan ng tarlac at nueva ecija na una naring sinusuplayan ng dugo ng PCR.

Layun din umano ng pagdaragdag ng bagong blood bank sa pangasinan ay upang mailapit ng mga serbisyo ng Red Cross sa publiko lalo na sa mga mahihirap na nangangailangan ng dugo.

Speak Your Mind

*