2 journalist, patay sa Dominican Republic habang nagbabalita

Dalawang journalist ang patay sa Santo Domingo, Dominican Republic habang live na nagbabalita sa radyo.

Pumasok umano ang isang hindi pa nakikilang suspek sa 103.5 fm studio na matatagpuan sa San Pedro De Macoris at binaril ang anchor na si Luis Manuel Medina habang naka-ere ito at nagbabasa ng mga balita.

Pinatay rin ang director ng istasyon na si Leonidas Martinez sa loob ng kaniyang opisina.

Ayon sa Media Rights Watchdog na Reporters Without Borders, kadalasang nagiging  biktima ng pag-atake sa Dominican Republic ang mga journalist na tumatalakay sa korapsyon at drug trafficking.

Speak Your Mind

*