2 kongresista, kinuwestiyon ang integrated terminal project ng DOTr

Kinuwestiyon ng dalawang kongresista ang isinusulong na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) na integrated terminal.

Sa pagdinig ng komite ng transportation, sinabi ni Manila Representative Manny Lopez na kuwestiyonable ang nasabing proyekto ng DOTr.

Ani Lopez, nakalulungkot isipin na ang mga kontratang dapat tutulong sa mga karaniwang mamamayan ay napagsasamantalahan.

Samantala, tinukoy rin ni Cebu Representative Gwendolyn Garcia ang pagkakaroon ng umano’y anomalya sa isinusulong na proyekto na integrated terminal ng DOTr.

Sinabi ni Garcia na bagama’t ang napagkasunduang public private partnership (PPP) modality ay nasa ilallim ng build transfer and operate (BTO) scheme, ang pamahalaan ay magbabayad din sa grantors ng halagang P277 milyon at P100 milyon para sa South at Southwest terminals.

Speak Your Mind

*