2017 NBA All-Star weekend, inaabangan na

Inaabangan na ng maraming basketball fans ang pagsisimula ng National Basketball Association (NBA) All-Star weekend bukas.    

Halos puno na ang mga hotel sa New Orleans, Louisiana. 

Sa Smoothie King Center sa nasabing estado gaganapin ang iba’t ibang events.

Inaabangan ang three-point at slam dunk contest.

Magaganap din bukas ang laro ng USA versus world, kung saan ay maglalaro ang American NBA players at mga manlalaro mula sa ibang bansa.

Linggo naman gaganapin ang paghaharap ng Eastern All-Star at Western All-Star.

Pangungunahan ni Golden State Warriors Head Coach Steve Kerr ang Western Team na binubuo nina Stephen Curry, Kevin Durant, Anthony Davis, Kawhi Leonard, James Harden, Russel Westbrook, Deandre Jordan, Gordon Hayward, Klay Thompson, Draymond Green, Marc Gasol at Demarcus Cousins.    

Samantalang sa Eastern Team All-Star ay magiging coach dito si Brad Stevens ng Boston Celtics na pangungunahan nina Lebron James, Kyrie Irving, Demar Derozan, Jimmy Butler, John Wall, Carmelo Anthony, Paul George at Isaiah Thomas.

Speak Your Mind

*