2017 Search for Outstanding Government Workers, inumpisahan na ng CSC

Inumpisahan na ng Civil Service Commission (CSC) Pangasinan ang kanilang Search for Outstanding Government Workers para sa taong 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Virginia Flores, Senior HR Specialist, ng CSC-Pangasinan sinabi nito na ang deadline ng submission para sa mga nomination ay sa darating na Marso 31, 2017.

Kabilang naman sa hinahanap para sa search for outstanding government workers ay pasok sa criteria na Presidential Lingkod Bayan and Civil Service Commission Pagasa Awards at Outstanding Public Officials and Employees o Dangal ng Bayan Award.

Dapat din umanong may qualification ang isang nominees gayan ng at least three (3) years nang nagtrabaho o nagserbisyo sa gobyerno

 

Malaki naman aniya ang posibilidad na makamit ang award ng isang nominees kung ito ay mayroong katangian na degree of uniqueness and originality, impact of performance and achievement, reliability and effectiveness at consistency of performance.

Speak Your Mind

*