21 minahan sa bansa, ipinasasara ng DENR

Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapasara sa dalawampu’t isang minahan matapos ang mining audit ng ahensya.

Kabilang sa mga ipinasasara ang mga mining companies na nag-ooperate sa Zambales, Homonhon sa Samar, Dinagat Islands at Surigao del Norte dahil sa pinsala na naidudulot nito sa kapaligiran.

Kabilang sa mga paglabag ng mga mining companies ang ilegal na pagpuputol ng puno, paninira ng watershed, mga bundok.

Dagdag pa ni Environment Secretary at Anti-Mining Activist Gina Lopez, nasa walumpu’t dalawang porsyento ng kita sa mining operations ay napupunta sa nasabing mga kumpanya.

Samantala, apat na kumpanya naman sa Nueva Vizcaya at Palawan ang sinuspinde ang operasyon dahil sa river siltation at epekto sa produkto ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*