3 days S&T Caravan ng DOST na isasagawa sa Dagupan, kasado na

Kasado na ang isinasagawang tatlong araw na Science and Technology o S&T Caravan ng Department of Science and Technology (DOST) sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Alexa Apostol, Science Research Specialist ng DOST-Pangasinan, na Layun ng S&T Caravan na maiparating sa kumunidad ang mga proyekto at mga programang isinasagawa ng DOST.

Dagdag pa ni Apostol na daan din ito para makabuo ng magandang relasyon sa lahat ng mga Local Government Unit (LGU’S) gamit ang mga makabagong teknolohiya ng dost.

Kabilang sa isasagawang aktibidad ng s&t caravan ay ang S&T Exhibit, Techno Forum, Technology Training, Film Viewing at Interactive Exhibit.

 

Inaasahan naman ang pagdalo sa nasabing S&T Caravan ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña na isasagawa sa darating na buwan ng Marso 28-30 sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*