300,000 tilapia fingerlings, pinakawalan sa re-regulating pond ng San Roque Dam

Aabot sa 300,000 na mga tilapia fingerlings ang pinakawalan sa national irrigation Administration (NIA) re-regulating pond sa San Roque Dam sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Pinangunahan ito ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III noong nakaraang biyernes, Pebrero a-dyis kasama sina Engr. Frida Nidoy, mula sa NIA – Region 1, tom Valdez, San Roque Power Corporation Vice President for Corporate Affairs, Oftociano Manalo-Presidente ng Pangasinan Federation of Irrigators’ Associations (PFIA) at iba pang mga leader mula sa  Agnor River Irrigation System (ARIS)

Layun ng paglalagay at pagpaparami ng tipalia na sinumulan pa noong adminitration ni dating governor at ngayo’y 5th District Representative Amado T. Espino, Jr. sa mga kailugan sa Pangasinan ay upang tumaas ang industriya ng agrikultura at may pagkunan ng kabuhayan ang mga mangingisda.

Sinabi din ni Gov. Espino na ang magkakaroon rin ng pagpapakawala ng tilapia fingerlings sa Central at Western parts ng Pangasinan.

 

Nabatid na sakop ng Agno River Irrigation Project (ARIP) ang mga bayan San Manuel, Asingan, Binalonan, Villasis, Urdaneta City, Laoac, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, Sta. Barbara at Malasiqui.

Speak Your Mind

*