32 libong ektaryang sakahan sa Pangasinan, wala pang irrigasyon

Nasa tatlumpot dalawang libong ektaryang sakahan pa sa lalawigan ng Pangasinan ang unirrigated areas.

Ito ang inihayag ni Pangasinan Governor Amado I. “Pogi” Espino III sa panayam ng Sonshine Radio kung saan ito umano ang pilit tinutugunan ng probinsya.

Sinabi ni Gov. Espino na hiningi na nila ang tulong ng San Roque Multipurpose Dam at mga Congressman para sa paglalaan ng pondo sa karagdagang irrigasyon.

 

Inaasahan naman ng governador na makakatulong parin ang ipinamahaging 110 units ng shallow tube wells sa patubig ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*