63 estudyante ng pangasinan, nakapasa sa JLSS program ng DOST

Abot sa animnaput tatlo ang bilang na nakapasa sa Junior Level Science Scholarship (JLSS) Program ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Alexa Apostol, Science Research Specialist ng DOST-Pangasinan, ang ilang na 63 ay mula sa 586 examinees na kumuha sa qualifying examination noong November 13, 2016.

Sinabi naman ni Apostol na ang JLSS program ay isa lamang sa tatlong Scholarship Program ng DOST gaya ng Republic Act 7687, Republic Act 10612 at ang DOST-SEI Merit Scholarship Program.

 

Samantala, sa JLSS Program ng Dost inaasahang tatanggap ng financial assistance sa tuition at miscellaneous fee kasama na ang uniform, books at montly living allowance ang mga nakapasa sa 2016 Juniors Level Science Scholarship ng DOST.

Speak Your Mind

*