7 Focus Crimes, tinututukan kapalit ng nasuspindeng “Oplan Tokhang” ng PNP

Ibinalik na sa seven focus crimes ang tinututukan ngayon ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) simula ng suspindihin ang operasyon ng pulisya sa Oplan Tokhang at Project Double Barrel.

Ayon kay Police Superintendent (P/Supt.) Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer ng PPPO, kabilang sa 7 focus crimes ang crimes against property at crimes against person.

Sinabi pa ni Candelario na dati na itong ginagawa ng pulisya gaya ng pagpapatupad ng Lambat Sibat at Patrol 101 upang agad na marespondihan ang mga lahat ng uri ng krimen.

 

Nilinaw naman ni Candelario na hindi pa naman tuluyang binibitawan ng PNP ang kampanya kontra ilegal na droga kundi ibinabalik lamang ito sa tunay na dapat mamuno, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer ng PPO.

Speak Your Mind

*