750 slots, bukas para sa mga SPES Program ng DOLE-Central Pangasinan

Pitundaan limampu (750) ang target slots ng Department of Labor and Employment o DOLE-Central Pangasinan para sa kanilang Special Program for the Employment for Students (SPES) ngayong taon.

Ayon kay Panfilo Dioquino, Labor Communications Officer ng DOLE-Central Pangasinan, ang SPES Program ay para sa lahat ng mga deserving students at out-of-school youths na nasa edad 15 hanggang 25 na nais magtrabaho at magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Para sa lahat ng mga enteresadong aplekante, maaari lamang magsummitte ng mga requirement gaya ng kopya ng birth certificate, certificate of indigency, grades sa paaralan, at certificate of good moral character na isyu ng barangay council para sa lahat ng mga out-of-school youth.

Dagdag pa ni Dioquino na ngayong taon, katuwang ng DOLE-Central Pangasinan sa nasabing SPES Program ang ibat-ibang local government units, ibat-ibang government agencies at mga malalaking establisyemento.

Speak Your Mind

*