80% sa public utility jeepneys, paralisado sa Northern Mindanao

Aabot sa halos 80 porsyento na paralisado na mga sasakyang pampasahero sa Cagayan De Oro City at Misamis Oriental.

Batay ito sa ulat ng National Confederation Transport Union (NCTU)-Northern Mindanao kasabay sa isinagawang nationwide transport strike.

Ayon kay NCTU National Coordinator Jaime Aguilar, buong Hilagang Mindanao ang nagsagawa ng transport strike.

Pero ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Director Allan Guro, nasa limang porsiyento lamang umano ang epekto ng transport strike nitong araw.

Sa kabila nito, nagpakalat pa rin ang LTFRB ng libreng sakay para sa mga naapektuhan ng tigil- pasada.

Speak Your Mind

*