AFP at PNP, magkaiba ang panuntunan sa paggawad ng medal of valor

Magkaiba umano ang procedure sa pagpili sa mga awardee ng medalya ng kagitingan ng Philippine National Police kung ikukumpara sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang paglilinaw ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos kaugnay sa ibinigay na medalya ng kagitingan sa SAF 44.

Sinabi ni Carlos na magkaiba ang privileges na ibinibigay sa mga awardee ng medalya ng kagitingan.

Ayon kay Carlos, ang pagbibigay ng medal of valor ay kailangang may magpapatunay o makapagbigay ng salaysay kung ano ang totoong nangyari.

Dagdag pa ni Carlos na magkaiba ang monetary benefits na nakukuha ng mga sundalong medal of valor awardee kumpara sa PNP.

Sa AFP kasi nasa P75,000 kada buwan habang nasa P20,000 naman sa PNP.

Kaugnay nito, nilinaw ni Carlos na medal of valor o medalya ng kagitingan ang ibinigay ng Malacañang sa SAF 44.

Speak Your Mind

*