AFP, wala pang narerekober na bangkay ng pinugutang German national

Wala pa ring narerekober na bangkay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang kumpirmasyong pinugutan na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag na German national.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na sinisikap pa nilang marekober ang bangkay ng hostage na si Jurgen Kantner.

Isang eyewitness umano ang naging basehan ng kanilang impormasyong pinatay na nga si Kantner ng bandidong grupo.

Binigyang-diin ni Padilla na patuloy pa rin ang operasyon ng AFP kontra sa ASG partikular sa beinte sais na natitira pang bihag.

Speak Your Mind

*