Sen. De Lima, hindi magiging biktima ng EJK kapag nakulong – Aguirre

99% na hindi magiging biktima ng extra judicial killings si Senador Leila de Lima.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kapag naaresto at nakulong na ang Senadora dahil sa kasong kinakaharap nito kaugnay sa iligal na droga.

Ginawa ni Aguirre ang pahayag matapos kumpirmahin ng Commission on Appointments ang kaniyang posisyon bilang kalihim ng Department of Justice.

Sinabi ni Aguirre na magiging ligtas ang Senadora kahit saan pa siya ikulong.

Pero ayon kay Aguirre, walang matatanggap na special treatment ang Senadora lalo na’t kinikwestiyon nito ang umano’y mga prebilehiyo ng mga high-profile inmates na tumestigo laban sa kanya.

Magugunita na binatikos ni De Lima ang mga inmates na nakapiit sa AFP Custodial and Detention Facility na sinasabing nakakagamit ng electronic gadgets, air condition units at internet access.

Nangangamba rin si De Lima sa kanyang buhay kapag tuluyan na siyang pinahuli ng mga otoridad dahil baka maging biktima siya ng EJK.

Speak Your Mind

*