Alaska Aces, wagi kontra Rain or Shine Elasto Painters

Tinalo ng Alaska ACES ang Rain or Shine Elasto Painters sa umaatikabong PBA Philippine Cup sa iskor na 94-89

Pinangunahan ni Jayvee Casio ang panalo ng ACES na nakagawa ng 25 puntos habang kumamada rin ng 13 puntos at 12 rebounds si Vic Manuel at 13 puntos naman ang kay Sonny Thoss.

Hindi naging madali ang panalo ng ACES makaraang tawagan ng foul trouble ang kanilang star player na si Calvin Abueva.

Dahil sa panalo, nasungkit na ng ACES ang number 2 seed sa quarterfinal at twice-to-beat incentive.

Sunod na makakasagupa ng Alaska ang Barangay Ginebra.      

Speak Your Mind

*