Allied Agro-Tech na nagsusulong ang agri-tourism, bubuksan sa Pangasinan

Bubuksan na sa publiko sa darating na Pebrero 17 hanggang 19 ang Allied Agro-Tech Inc, sa bayan ng Tayug, Pangasinan isang demo farm na layung isulong ang Agri-Tourism.

Ayon kay Herlo Atole, Farm Manager ng Allied Agro-Tech na ngayong taon ay ishow-showcase nila ang “sunflower maze’ na nakatanim sa tatlong ektarya mula sa dalawamput tatlong ektaryang research farm.

Pangunahing produkto naman aniya ng kanilang dene-development ang mga gulay na kabilang sa “penakbit” at mga gulay na nabubuhay lamang sa highland vegetables.

 

Sinabi pa ni Atole na labin anim na taon nang ginagawa ang demo farm kung saan ambitado rito ang mga farmers, cooperative, at kanilang mga dealers.

Ngunit sa nakalipas na tatlong taon ay binuksan na aniya ito sa publiko at nagsimula narin para mapasama ang Allied Agro-Tech sa Agri-Tourism ng DOT-Region 1.

Speak Your Mind

*