Angelina Jolie, nagsalita na sa paghihiwalay nila ni Brad Pitt

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Hollywood actress na si Angelina Jolie matapos silang maghiwalay ng asawang si Brad Pitt.

Ayon kay Angelina, umaasa pa rin siya na magiging matatag ang kanyang buong pamilya sa kabila ng hiwalayan.

Dagdag pa ng aktres, nananatili pa rin silang pamilya sa kabila ng lahat ng kontrobersiya.

Para kay Angelina, isang ‘wonderful father’ ang tingin niya kay Brad.

Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong Setyembre 2016.

Speak Your Mind

*