Anne Curtis, kinansela ang paglahok sa Boston marathon 

Kinansela na ng aktres at TV host na si Anne Curtis ang kanyang planong pagtakbo sa Boston marathon.       

Sa Instagram post ni Anne, sinabi nito na nagkaroon ng problema sa kanyang schedule kaya ipagpapaliban muna niya ang paglahok sa maikokonsiderang ‘toughest running event’ sa buong mundo.     

Malungkot man ang aktres ay positibo pa rin itong muling makatatakbo sa hinahangad na marathon.    

Matatandaang noong nakaraang buwan ay masayang ibinalita ni Anne na qualified sila ng co-host nitong si Kim Atienza na lumahok sa nasabing event sa kabila ng hirap para makapasok dito.

Speak Your Mind

*