Año, aminadong may nakakapasok na mga kontrabando sa AFP Custodial Center

Aminado si AFP Chief of Staff General Eduardo Año na may nakakapasok pa ring mga kontrabando sa AFP Custodial Center sa Kampo Aguinaldo.

Sinabi ni Año na inireport sa kaniya ng mga sundalo na nagsasagawa ng inspection na nakapagpasok ng aircon, tv at lahat ng bawal sa loob ng kulungan ang mga high profile inmates na nakakulong sa Custodial Center.

Pawang mga miyembro ng PNP-SAF ang nagbabantay sa mga high profile inmates habang ang Bureau of Corrections o BuCor ang nagma-manage sa mga ito.

Ang mga high profile inmates ay ang mga nag-testify kaugnay sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ipinagtanggol ni Año ang PNP-SAF at sinabing ang bucor ang nangangasiwa at nagpapatupad ng rules and regulations sa loob ng AFP Custodial Center.

Speak Your Mind

*