Appointment confirmation kay DFA Secretary Yasay, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ang appointment confirmation ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa umano’y pagiging American citizen nito.

Dapat ay haharap ngayong araw si Yasay sa Commission on Appointments (CA) pero hindi sumipot sa pagdinig ang kalihim.

Ayon sa komisyon, nais nilang masagot ni Yasay ang kuwestiyon sa citizenship nito.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa Pebrero a-beinte dos.

Una nang itinanggi ni Yasay na siya ay American citizen at wala siyang American passport.

Speak Your Mind

*