Argosino, suspendido sa pagkaabugado dahil sa pagtanggap ng suhol

Nabunyag sa pagdinig ng Senado sa Immigration bribery scandal na may isang taong suspensiyon sa kanyang pagiging abugado si Immigration Deputy Commissioner Al Argosino.

Ibinunyag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon.

Aminado naman si Argosino sa nasabing suspensiyon at itinago niya ang impormasyon nang matalaga sa puwesto noong Agosto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Argosino ay nasangkot sa pagkamatay ng isang neophyte sa kanilang fraternity hazing rites noong 1991.

Inilabas naman ang desisyon ng Korte Suprema laban kay Argosino noong Agosto 2016.

Speak Your Mind

*