Artificial Insemination, isinusulong sa pagpaparami ng alagang kambing sa Pangasinan

Isinusulong na sa lalawigan ang Pangasinan ang artificial insemination bilang paraan sa pagpaparami ng mga alagang kambing.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Gany Gaspar, Veterinarian II ng DA-Regional Field Office 1, layun ng artificial insemination na mabigyan ang mga magsasaka ng magandang lahi ng kambing.

Hangad din umano ng kagawaran ng agrikultura na magkaroon ng pantay na opurtunidad ang mga magsasaka na mapaganda ang kanilang inaalagaang kambing.

 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Gaspar na sapat ang suplay ng semilya na kanilang ginagamit sa artificial insemination na may lahing Boer at Anglo-Nubian.

 

Ang tinig Dr. Gany Gaspar, Veterinarian II ng DA-Regional Field Office 1 sa panayam ng Sonshine Radio

Speak Your Mind

*