AUTOPRO, naniniwala na hindi pa napapanahon ang isinagawang transport strike

Nakikiisa ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan sa ipinatupad na tigil pasada ang ilang transport group bilang pagkondena sa planong jeepney phase out.

Ito ang inihayag ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino, kahit na hindi sila nagsagawa ng tigil pasada dahil sa walang ibinabang kautusan ang kanilang grupo mula NCR.

Ayon kay Aquino, hindi sila nagsagawa ng transport strike dahil wala namang basihan at hindi sila nakatanggap ng memorandum kaugnay sa nasabing isyu.

Dagdag pa ni Aquino na hindi pa napapanahon ang pagsasagawa ng tigil pasada dahil wala pang final na usapan at wala pang naisasagawang dayalogo.

 

Sakali naman umanong magkaroon ng hudyat mula sa Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO ay handa ang kanilang grupo na dalhin sa kalsada ang kanilang hinaing.

 

Ang tinig ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*