AUTOPRO, pabor sa isinusulong na modernalization program ng LTFRB

Pabor ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan sa isinusulong na modernalization program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino kung para sa kapakanan ng kalikasan ang pinang-uusapan ay payag sila sa modernalization program.

Aminado si Aquino na marami sa kanilang miyembro ang may mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok na hindi maganda para sa kalikasan.

Ngunit iginiit ng AUTOPRO na hindi sila pumapayag sa sinasabing jeepney phase out dahil tatanggalan nito ng kabuhayan ang mahihirap na mga jeepney driver at operator.

 

Dagdag pa ni Aquino na matagal na sanang ipinatupad ang modernalization kung saan hindi na dapat pinayagan na mag-import ang Pilipinas ng mga lumang makina na nagbubuga ng maitim na usok.

 

Ang tinig ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*