Baguio City, handa na sa pagsisimula ngayon ng panagbenga festival

Handang-handa na ang lokal na pamahalaan ng Baguio para sa pagbubukas ng Panagbenga Festival 2017 ngayong unang araw ng Pebrero.

Tampok sa pagbubukas ng 22nd Baguio Flower Festival ang street dancing at drum and lyre competition tatampukan ng labindalawang elementary schools.

Ito ang magsisilbing elimination round at ang mga mapipiling finalists ang sasabak sa grand street dance parade sa Pebrero a-beinte singko.

Magbubukas din ang Baguio blooms sa burnham park kung saan magkakaroon ng trade fair, food exposition at landscaping showcase.

Sinuspinde na rin ni Mayor Mauricio Domogan ang pasok ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang high school para sa aktibidad.

Ang tema ng panagbenga ngayong taon ay “Inspired by Beauty, Nurtured by Nature”.

Speak Your Mind

*