Ballistic missile launch ng NoKor, umano’y naging matagumpay

Kinumpirma ng North Korea (NoKor) na matagumpay ang kanilang naging ballistic missile launch kahapon na pinangunahan ng kanilang leader na si Kim Jong-Un.

Ang inilunsad na missile ay inilarawan bilang surface-to-surface medium-to-long-range ballistic missile.

Tinawag naman ng Defense Ministry ng South Korea (SoKor) ang ginawa ng NoKor ‘armed provocation’ para tingnan ang magiging aksiyon ni US President Donald Trump.

Humiling naman ang Amerika, Japan at SoKor ng urgent meeting sa United Nations (UN) Security Council para pag-usapan ang insidente.

Speak Your Mind

*