Barangay Ginebra at San Miguel Beermen, tabla na sa best-of-seven finals series

Naitabla na sa 1-1 ng Barangay Ginebra ang best-of-seven finals kontra sa San Miguel Beermen.

Tinalo ng Gin Kings ang Beermen sa kanilang overtime games sa iskor na 124-118.

Tinanghal na “Best Player of the Game” si Scottie Thompson na kumamada ng 18 puntos, 18 rebounds at walong assists.

Hawak ng Gin Kings ang kalamangan sa unang quarter hanggang napababa ito ng Beermen sa tatlo sa pagtatapos ng third quarter.

Naging dikit ang palitan ng puntos ng dalawang koponan hanggang tuluyan itong madala sa overtime.

Speak Your Mind

*