Benjamin Alves, inaming hindi pa sila ni Julie Ann San Jose

Hindi pa nagsasabihan ng “I Love You” ang rumored couple na sina Benjamin Alves at Julie Ann San Jose.

Bagamat obvious naman ang pagiging sweet sa isa’t isa, ayaw daw ni Benjamin na pangunahan ang lahat sa kanilang relasyon.

Tiniyak naman ng aktor na hindi naman nila itatago ang relasyon kung may aaminin na.

Sinabi rin nito na hindi sila tutulad sa ibang showbiz couple na aamin lang sa relasyon kapag naghiwalay na.

Halos walong buwan ng exclusively dating ang label ng relasyon ng dalawa.

Speak Your Mind

*