Bestlink College, hindi alam ang subcontracting agreement ng Harana at Panda Tours

May limang taong rental agreement ang Bestlink College of the Philippines sa Harana Tours.

Ito ang nadiskubre sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng malagim na aksidente sa Tanay na sangkot ang isa sa mga bus ng Harana na Panda Coach Tours.

Ayon sa abugado ng kolehiyo na si Lourdes Pagayatan, hindi nila alam na may subcontract sa pagitan ng Harana at ng Panda.

Nagkasundo naman ang tatlong kumpanya na mag-setup ng mutual assistance fund na magagamit para sa medical assistance ng mga naospital.

Nasa kabuuang 1.2 milyong piso na ang gastos ng Bestlink sa pagpapalibing ng mga nasawing estudyante samantalang P660,000 naman sa medical expenses.

Speak Your Mind

*