BFAR, ikinabahala ang posibleng makapasok na janitor fish sa Pangasinan

Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na nakakabahala ang posibleng pagpasok sa costal area ng lalawigan ng Pangasinan ng mga janitor fish.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Westly Rosario, Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na minsan na niyang nakita na may nagtitinda ng janitor fish sa lungsod ng Dagupan.

Ngunit ang kagandahan lang aniya ay malayo sa posibilidad na kumalat ang nasabing janitor fish dahil sa maalat na mga fishpond sa lalawigan.

 

Sinabi pa ni Rosario na ang janitor fish ay hindi masarap kainin at mabilis dumami, kayat kung makakapasok ito sa lalawigan ay posibleng maging peste ito sa mga palaisdaan.

Speak Your Mind

*