BFAR, inire-rekomenda ang pagnegosyo ng asin sa panahon ng tag-init

Hindi pa man tuluyang pumapasok ang panahon ng tag-init, inire-rekomenda na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Dagupan ang pagpasok sa pagne-negosyo ng asin.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, inihayag ni Dr. Westly Rosario, Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na isa ang Pilipinas sa nag-iimport ng asin sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Rosario na umaabot sa P500 milyon ang halaga ng asin na na-iimport ng Pilipinas.

Isa rin aniya sa dahilan kung bakit nakakapag-import ng asin ang bansa ay dahil ginagamit ito bilang salt fertilization sa mga puno ng niyog.

 

Nabatid na minimina sa mga kabundukan ang paggawa ng asin sa mga bansang India, Canada, China at Amerika para magamit nila sa kanilang industrial at agriculture habang ang maliit na bansa gaya ng Pilipinas at Japan ay ginagawa ang asin sa pamamagitan ng tubig alat.

 

Speak Your Mind

*