BFAR, pinaplano ang pagkakaroon ng “sports fishing” sa Dagupan

Pinaplano na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang pagkakaroon ng “sports fishing” sa Dawel River sa lungsod ng Dagupan.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) ay bahagi sa pagdevelop nila sa market ng isdang seabass.

Sinabi pa ni Rosario na sa “sports fishing” ay ipapakita rito ang pagpapakain ng isdang mulmol sa mga seabass.

 

Bukod dito, magsisilbi din itong dagdag hanap buhay sa mga mangingisda dahil pinaplano rin na buksan sa mga turista ang resthouse ni dating House Speaker Joe De Venecia kung saan maaari nila ritong ipaluto ang kanilang nahuling mga seabass.

Tiniyak naman ni Dr. Rosario na tuloy-tuloy ang paglalagay nila ng similya ng seabass sa Dawel River sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*