BFP, pinag-iigat ang publiko laban sa sunog ngayong papalapit na ang tag-init

Aminado ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan na hindi maiiwasan na araw-araw ay magkaroon ng sunog kahit na hindi buwan ng marso kung saan idinedeklara ang Fire Prevention Month.

Ito ayon kay Arthur Zarate, Provincial Chief Marshall ng BFP-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan patuloy aniya ang kanilang programa  upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Kahit hindi aniya buwan ng marso ng pinipilit nila na maging “every is fire prevention day”

Batay sa tala ng BFP-Pangasinan, lumabas na ang karaniwang dahilan ng sunog ay mga grass fire at mga insidente na may kaugnayan sa kuryente.

 

Dahil dito, nagpaalala ang opisyal sa publiko na ugaliin ang pag-iingat sa paggamit ng mga appliances, siguraduhin na ligtas ang mga electrical wiring dahil ito ang kalimitang dahilan ng sunog.

Speak Your Mind

*