BI, nagisa nang makaalis sa bansa si Wally Sombero

Nagisa sa pagdinig ng Senado sa Immigration bribery scandal si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, nakapagtatakang nakalabas pa ng bansa ang middleman ni Jack Lam na si Wally Sombero gayong may inilabas nang lookout bulletin order (LBO) laban dito.

Dito ay ipinaliwanag ni Morente na “Wally Sombero” lang ang nakalagay sa lookout bulletin pero ang passport name nito ay Wenceslao Sombero kaya’t madali itong nakalabas ng bansa.

Matatandaang inilabas ng Department of Justice (DOJ) ang LBO kay Sombero noong Disyembre 16 bago ito nakaalis patungong Singapore noong Enero 17.

Ani Morente, ipinaalam sa kanya ng mga airport supervisor ang paglabas sa bansa ni Sombero, apat na oras na ang nakaraan matapos itong makaalis.

Dalawang Immigration officer na aniya ang nasuspindi dahil sa nangyari.

Kinumpirma naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinabi sa kanya ni Sombero na tutungo itong Las Vegas.

Speak Your Mind

*