Bintang na panunuhol sa Bilibid inmates, itinanggi ni Biñan Cong. Alonte

Itinanggi ni Biñan Congresswoman Marlyn Alonte ang alegasyong panunuhol sa high-profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP) para baligtarin ang testimonya laban kay Senadora Leila De Lima.

Ani Alonte, wala siyang kilala sa mga sinasabing inmate na umano’y sinuhulan niya.

Hindi rin umano siya tumawag at hindi nakisali sa nasabing tangkang panunuhol.

Bukod dito, hindi rin umano niya personal na kilala si dating Senadora Jamby Madrigal na isa rin umano sa nanuhol sa mga inmate.

Kakausapin ni Alonte si House Speaker Pantaleon Alvarez na una nang nagsabing iimbestigahan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Handa rin daw niyang harapin si Department of  Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na siyang nagparatang sa kanya.

Speak Your Mind

*