BIR, tinututukan ang malalaking negosyo para sa pagtaas ng kanilang tax collection

Tututukan ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga malalaking negosyo o ang mga large taxpayers group upang mas mapataas ang kanilang tax collection.

Sinabi ni Rowel Custodio, Revenue Officer ng BIR District Office 4 – Calasiao, tinatayang nasa 2,320 ang large taxpayers sa bansa, pero nasa 62 porsyento lamang dito ang nakokolektang buwis ng ahensya.

Dahil dito, sinisikap umano ng BIR na maabot ang lahat ng large taxpayers group sa rehiyon upang mapaangat ang kanilang target tax collection.

Nabatid na umabot sa P3.3 milliong buwis noong nakaraang taon at plano nilang maitaas ito sa P4 million sa pamamagitan ng kampanya nila sa boluntaryong pagbabayad ng tax ngayong taon.

Iginiit naman ni Custodia na ang pagbabayad ng tamang buwis ay dapat na bukal sa kalooban at boluntaryong ginagawa.

Speak Your Mind

*