Blood Donation Activity ng KBP-Pangasinan Chapter, kasado na

Kasado na ang isasagawang Blood Donation Drive at First Aid Lecture & Demo ng Kapisanan ng mga Boardcaster ng Pilipinas (KBP) Pangasinan Chapter na may temang “Broadcaster Ka Na, Life Saver Ka Pa”.

Isasagawa ito sa darating na Sabado, Pebrero a-18, 2017 sa Robinson Place’s Calasiao, Pangasinan katuwang ang Philippine Redcross.

Kasabay nito, hinihimok ni Mark Gemson Espinoza, KBP-Pangasinan Chapter Chairman ang lahat ng broadcaster, print media, ibat-ibang ahensya ng gobyerno at mga indibidual na makiisa sa pagdodonate ng donate ng dugo.

Ayon kay Espinoza ang pagbibigay ng dugo ay makapag-liligtas ng buhay dahil aniya bawat ninuto ay may nangangailangan ng dugo.

Speak Your Mind

*