Bobong ng paaralan, dapat pinturahan para sa panahon ng kalamidad – DepEd

Binigyang diin ng Department of Education (DepEd) Pangasinan 1 ang kahalagahan ang pagpi-pintura sa mga bubong ng paaralan sa panahon ng kalamidad.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Engr. Darwin Rivera, Project Development Officer (PDO) II, ng School Division Office–DepEd Pangasinan I na ito dapat ipatupad sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya.

Ayon kay Rivera, sakaling magkaroon ng malawakang pagbaha, lindol at masira ng mga lansangan mas madaling matutukoy ang mga paaralan kapag nagsagawa ng aerial inspection.

 

Nilinaw naman ni Rivera na may standard na sinusunod ang deped sa pagpipintura, dapat kulay green ang bubungan at ang letra nito ay kulay white upang mas madaling makita at mabasa.

Speak Your Mind

*