Bugallon PNP, tiniyak na tuloy parin ang kampanya kontra ilegal na droga

Tiniyak ng Bugallon PNP na tuloy-tuloy parin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga kahit ipinatigal na ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang at Project Double Barrel

Ito ang inihayag ni Police Chief Inspector (PCI) Joseph Imperial, Chief of Police ng Bugallon PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Imperial, sa pamamagitan ng information intelligence gathering, makakatulong sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead agency na may hawak na ng anti-ilegal drugs campaign.

Malaki rin umano ang magiging bahagi ng pulisya kung magsasagawa ng malawakang drugs operation dahil ang pnp ang magbibigay ng security perimeter.

 

Kasabay nito, babala ng Bugallon PNP na hindi pa maaaring mag-relax at mag-fiesta ang mga drug personalities dahil tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang pagbabantay.

Speak Your Mind

*