Bukas na komunikasyon, kailangan para sa magandang relasyon ng magulang at anak

Bigyan ng bukas na komunikasyon ang buong pamilya para magabayan ng tama ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Ito ang payo ni Dr. Michael Romero, Executive Manager ng Philippine Mental Health Association sa Pangasinan kaugnay sa relasyon ng magulang sa kanilang mga anak.

Ayon kay Romero, pinaka-mabisa dito ang paglalaan ng sapat na panahon sa sabay-sabay na pagkain sa hapag kainan dahil dito nagkakaroon pagkakataon na mag-usap ang isang pamilya.

 

Sinabi pa ni Romero na dapat ding marunong umintidad, malawak ang kaisipan at bukas ang komunikasyon ng mga magulang sa kanilang anak upang mapag-usapan anumang ang pinagdaraanan problema nito.

—- 

Apat na aspeto, kailangan para masabing mentally health ang isang tao

Mahalaga na masigurong buo ang physical, social, at spiritual na aspeto ng isang tao para masabing mentally health ito.

Sinabi ni Dr. Michael Romero, Executive Manager ng Philippine Mental Health Association sa Pangasinan na hindi lang tinawag na emotional o psychological buo ang isang tao.

Palatandaan aniya sa isang tao kung malusog ang kaisipan nito lalo na emosyunal aspeto ay kung may kakayanan itong tugunan ang mga stress na kanyang nararanasan.

Normal lang naman aniya na makaramdam ng kalungkutan ang isang tao ngunit kung ito ay hindi na kayang i-cope-up ay doon na nagkakaproblema sa mental health.

Partikular naman aniya sa mga sintomas na emotional affected na ang isang tao kung ito ay nakakaranas nang hindi pagkatulog, hindi makakain, sinsitibo, maraming kinatatakutan at iba pa.

 

Dahil dito, ipinapayo ni Dr. Romero na upang matiyak na malusog ang kaisipan, maging aktibo, dapat harapin at gumawa ng paraan anuman ang mga kinakaharap na problema.

Speak Your Mind

*