Business Service sa Pangasinan, dumarami na ngayong taon ayon sa DTI

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI na dumarami na ang mga negosyante sa lalawigan ng Pangasinan ang lumilipat sa mga business service.

Ito ang sinabi ni Danzen Imus, Trade Industrial Development Specialist ng DTI sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan kabilang na rito ang mga repair shop ng mga gadget at computers.

Ganupaman, patuloy na hinihikayat ng DTI ang publiko na sakaling pumasok sa ganitong negosyo ay siguraduhing susundin ang mga regulasyon na ipinapatupad ng gobyerno.

Malaking tulong aniya ang pagkakaroon ng pangalan sa negosyo, rehistrasyon, at akriditasyon sa gobyerno dahil sa pagkakaroon ng proteksyon ng mga kostumer at mismong mga negosyante.

 

Nabatid na umaabot na sa tatlong daang repair shop ang rehistrado sa DTI kung saan marami pa naman aniyang mga business establishment sa Pangasinan ang hindi pa nagco-complay.

Speak Your Mind

*