Buwanang kontribusyon ng SSS members, posibleng tumaas

Posibleng magkaroon ng pagtaas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ito ang tugon ni SSS President Emmanuel Dooc sa pahayag ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, na wala munang dapat na pagtaas sa buwanang kontribusyon ng SSS members kasunod ng gagawing pension hike sa buwan ng Marso.

Sinabi ni Dooc na ang pagtaas sa kontribusyon ay bahagi ng patuloy na pagreporma sa SSS at aprubado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*