Career Service Examination na isasagawa ng CSC-Pangasinan, kasado na

Kasado na ang isasagawang Career Service Examination-Paper and Pencil Test (CSE-PPT) ng Civil Service Commission (CSC) Pangasinan sa darating na ika-12 ng Marso, taong 2017.

Ito ayon kay Virginia Flores, Senior HR Specialist, ng CSC-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ang lahat ng mga examinees ay maaari ng alamin ang kanilang school at room number na gagamitin.

Ayon kay Flores, ang Career Service Examination ay nilikha upang sukatin ang kakayahang verbal, analytical, numerical at clerical” ng mga aplikante.

Mahalaga aniya na nakapasa sa nasabing pagsusulit dahil ang kanilang makukuhang sertipiko na “professional” o “sub-professional” ay magiging eligibility nila sa pagpasok ng trabaho sa gobyerno.

 

Nabatid na umaabot sa 4,054 examinees para sa CSE-PPT sa Pangasinan, 3,200 dito ay sa “professional” at 854 sa sub-professional at ito ay gaganapin sa Pangasinan National High School at PSU Lingayen.

Speak Your Mind

*