Carmelo Anthony, papalit kay Kevin Love para sa NBA All-Star Game

Papalit si New York Knicks Forward Carmelo Anthony kay Cleveland Cavaliers star Kevin Love para sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game.

Mismong si NBA Commissioner Adam Silver ang personal na pumili kay Anthony bilang kapalit ni Love.

Hindi makapaglalaro si Love sa all-star game matapos sumailalim sa knee surgery.

Inaasahang anim na linggong hindi makapaglalaro ang inoperahang basketbolista.

Ngayong weekend naman nakatakdang ianunsiyo ng pamunuan ng NBA ang injury replacements para sa all-star game events.

Speak Your Mind

*