CAVS star Kevin Love, 6 na linggong hindi makapaglalaro

Anim na linggong hindi makapaglalaro si Cleveland Cavaliers star Kevin Love matapos sumailalim sa isang knee surgery.

Sumailalim muna sa knee scan si Love matapos makaranas ng joint pain sa laban ng CAVS kontra sa Denver Nuggets.

Kinumpirma naman ng koponan na inoperahan nga si Love para alisin ang isa umanong ‘loose body’ sa tuhod nito.

Isinagawa ang knee surgery sa Hospital for Special Surgery sa New York.

Speak Your Mind

*