CIDG Pangasinan, may bago nang Director

Pormal nang itinalaga bilang bagong Provincial Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan si Police Director Roel Barcena Obusan.

Ito’y matapos aprubahan sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang appointment ni Obusan sa besa ng Provincial Resolution No. 540-2017.

Ang bagong CIDG Director ay mula sa bayan ng Laoac, nagtapos bilang miyembro ng ‘Sinagtala’ class of 1986 ng Philippine Military Academy (PMA) at Alumni ng Manaoag National High School Batch ’79.

Matatag ang paniniwala ng may akda ng resolusyon na si Fourth District Board Member Jeremy Agerico Rosario, sa pamumuno, kakayahan at mga kwalipikasyon ni Obusan na pamunuan ang CIDG bilang primary investigation arm ng PNP.

Speak Your Mind

*