Cong. Bataoil, nanindigan sa pagsuporta sa isinusulong na Death Penalty

Nanindigan si Pangasinan 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil sa pagsuporta sa Death Penalty Bill na isinusulong ngayon sa Kongreso.

Sinabi ni Congressman Bataoil na bago pa man isulong sa Committee Level ng Kamara, pabor na siya sa Death Penalty dahil nakita at natunghayan niya ang epekto ng mga heinous crimes.

Hindi aniya lingid sa lahat na galing siya Military at Police Service kayat na-exposed at natunghayan niya ang mga gawain ng mga kriminal na kung minsan ay nauuwi sa rape at pagpatay.

Dagdag pa ni Bataoil na buo ang kanyang paniniwala na marapat lamang na isailalim sa Death Penalty ang mga gumagawa ng kahindik-hindik na gawain upang hindi na pamarisan.

 

Ganunpaman, nananatili naman aniya ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng buhay, patunay dito ang pagsuporta niya sa simbahan kaugnay sa isyu ng Reproductive Health Bill.

Speak Your Mind

*