Conscience vote sa death penalty bill, paiiralin ng minorya sa Kamara

Conscience vote ang paiiralin ng minority bloc ng Kamara sa usapin ng pagpapanumbalik ng death penalty.

Si Minority Leader Danilo Suarez ang isa sa mga may-akda ng panukala samantalang ang ilan namang mambabatas na nasa minorya ay kontra rito.

Naniniwala naman si Buhay Party-List Representative Lito Atienza na posibleng makudeta si House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa pambabraso sa mga lider ng kamara, kung hindi boboto pabor sa death penalty.

Ayon sa minority bloc, may mga lider ng Kamara na kontra sa panukala.

Samantala, sinabi naman ni Suarez na tatanungin niya kay Alvarez kung ano ang gagawin kay Deputy Speaker Gloria Arroyo na siyang lumagda ng batas para ibasura ang death penalty noong ito pa ang Pangulo.

Matatandaang hinamon ni Alvarez ang mga lider ng Kamara na magbitiw na sa puwesto kung boboto kontra sa death penalty bill.

Speak Your Mind

*